[Video] Sa kabila ng ‘Nationwide Smoking Ban’, naninigarilyo pa rin ang ilang indibidwal sa pampublikong lugar

Image capture of videos by GMA News and ABS-CBN News via YouTube accountsImage capture of videos by GMA News and ABS-CBN News via YouTube accounts

Sa kabila ng implementasyon ng Executive Order (EO) 26 hinggil sa “Nationwide Smoking Ban” ay naninigarilyo pa rin ang ilang indibidwal sa pampublikong lugar.

Hindi rin alam ng ilan na bawal nang manigarilyo sa pampublikong lugar.

Aminado naman ang Department of Health (DOH) na nakalilito pa ang unang patakaran hinggil sa smoking ban ngunit masasanay din daw ang publiko, ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend.

Iginiit naman ni DOH Asec. Eric Tayag na nasa kamay ng lokal na pamahalaan at pulisya ang pagpapatupad ng smoking ban, ayon sa ulat ng TV Patrol.

Ani Tayag: “Inaasahan po namin na may kaguluhan pa sa araw na ‘to [at] sa mga susunod na araw habang inaayos pa ng mga local government ang mga detalye.”

Sa inisyal na ulat ng Balitang DF, nag-ikot ang DOH sa iba’t ibang lugar tulad ng pagpunta sa paaralan, covered court at mall upang ipaalam sa publiko ang implementasyon nito.

Ang multa para sa lalabag na alinsunod sa R.A. 9211 ay P500 hanggang P1,000 para sa first offense, P1,000 hanggang P5,000 para sa second offense at P5,000 hanggang P10,000 at pagbawi sa lisensya at business permit para sa third offense.

Maaari ring magsumbong sa DOH hotline (02) 711-1002 para sa mga makikitang naninigarilyo sa pampublikong lugar.

Panoorin ang iba pang detalye sa mga video na ito mula sa GMA News at ABS-CBN News: