[Video] Supt. Marcos, itatalaga sa Central Mindanao upang hulihin ang mga kaalyado ng ISIS 

Image capture of video by GMA News via YouTube account

Itatalaga si Superintendent Marvin Marcos sa Central Mindanao upang tugisin ang mga kaalyado ng ISIS.

Ayon kay Chief Superintendent Dionardo Carlos, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), ito ang pangunahing trabaho ni Marcos bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Central Mindanao.

Kabilang sa tutugisin ni Marcos ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), na inaakusahang nakikipagsabwatan sa Maute ISIS.

Naging kontrobersyal si Marcos matapos akusahan sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng detention facility ng CIDG Eastern Visayas.

Nitong Huwebes, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin sa serbisyo si Marcos, ayon sa ulat ng News TV Live.

Dinepensahan naman ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagbabalik sa serbisyo ni Marcos kasama ang mga tauhan nito, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Paliwanag ni Dela Rosa, dumaan sa due process sina Marcos at ang mga tauhan nito.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: