[Viral] Gloria Diaz ‘beast mode’ sa kanyang battle ropes work out

Imahe mula sa Instagram video ni Gloria DiazImahe mula sa Instagram video ni Gloria Diaz

No pain, no gain! Totoo ang pahayag na ito para kay 1969 Miss Universe Gloria Diaz.

Sino ba naman ang mag-aakala na si Diaz ay 66-anyos na? Nananatiling fit at glamoroso pa rin ang kanyang pangangatawan.

Ang sekreto? Ang kaniyang battle ropes.

Nitong Hulyo 16, ibinahagi ni Diaz sa kaniyang Instagram account ang maikling video ng kaniyang battle ropes workout sa gym.

Ang maikling video ay ibinahagi ng beauty pageant page Pageanthology 101. As of this posting, ang video ay may mahigit  1 million views at lampas 10K shares na!

Hinangaan ng maraming netizen si Diaz sa kaniyang dedikasyon sa fitness.

Si Diaz ang unang Filipina na nagwagi sa Miss Universe pageant. Ito’y sinundan nina Margie Moran noong 1973 at  Pia Wurtzbach nito lamang 2015.

Battle of the ropes so hard… but check superman Mike behind😹😘

A post shared by Gloria Diaz (@its.gloriadiaz) on