16-anyos na lalaki, kinain diumano ng buhay ang kaniyang binti ng mga flesh-eating bugs

Imahe mula sa Twitter ng The AgeImahe mula sa Twitter ng The Age

“I couldn’t feel anything because the cold water basically numbed my legs, I felt what I thought was pins and needles.”

Malala ang tinamong pinsala ng isang 16-anyos na lalaki nang pupugin ang binti ng mga flesh-eating bugs ang paa at binti sa Dendy Street beach sa Brighton, Melbourne Australia makaraang magtampisaw ito sa tubig upang magpahinga matapos ang kanilang football game.

Ayon sa ulat ng Huffington Post, ang biktima ay kinilalang si Sam Kazinay.

Akala ni  Kazinay  ito’y simpleng tapilok lamang  sa isang bato ngunit ang pagdurugo ay hindi gawa ng isang ordinaryong bato.

I walked out and saw what I thought was sand covering my calf and shook it off, and by the time I’d walked across the sand about 20 metres to put my thongs on, I looked down and noticed I had blood all over my ankles,” ani Kazinay.

Si Kazinay ay agad isinugod sa ospital at dali-dali namang nilapatan ng lunas.

Palaisipan naman sa mga doktor at nars ang sanhi ng matinding pinsala sa paa at nasagot lamang ito ni Jarrod, ama ng biktima na siyang personal na nag-imbestiga sa naganap na insidente.

Ayon sa ulat,  nagbalik si Jarrod sa lugar kung saan naganap ang insidente at kumuha ng sample mula sa tubig at agad nilang dinala sa kinauukulaan.

Sa ginawang pagsusuri ni Marine Biologist Michael Brown sa sample mula sa tubig, isa raw itong uri ng sea lice. Ito raw ay kumakain ng mucus, skin tissue, at dugo mula sa host fish.

Wika pa ni Brown, natatangi ang ganitong klase ng kaso. “No one had seen anything like this before and they’re all pretty fascinated by it.”

Kasalukuyan pa ring nagpapagaling ang binatilyo sa mga sugat na natamo sa insidente.