2-0! Gilas Pilipinas muling nanindak matapos padapain ang Iraq sa FIBA Asia Cup

Public Domain

Muli na namang nanindak ang Gilas Pilipinas nang padapain ang Iraq matapos ang  third quarter run sa iskor na  84-68 sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon nitong Agosto 11.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, nangunang muli sina Terrence Romeo na may 17 puntos at Christian Standhardinger na may 16 puntos.

Sigurado na ang unang puwesto para sa Gilas makaraang pangunahan ang Group B na may 2-0 record at awtomatikong  pagpasok sa quarterfinals anuman ang maging resulta sa laban nito sa Qatar sa Linggo.

Ang Iraq at China ay parehong 1-1 at kamakailan ay tinalo ng  China ang  Qatar 92-67.

Hindi naman naging maganda ang first half ng Gilas dahil sa maraming offensive rebounds ng Iraq at nagresulta sa 31-32 manipis na kalamangan ng pambansang koponan sa half time.

Nag-iba ang istorya sa third quarter nang pangunahan  nina Standhardinger at Romeo ang Pilipinas upang iangat pa ang kalamangan ng Gilas sa 49-35.

Umalagwa pa ang Gilas na lumamang ng 21 sa iskor na 56-35 at hindi nakaiskor ang Iraq sa loob ng 7 ½ minuto.

Dalawang field goal lamang ang nagawa ng Iraq at nagtapos ang third quarter sa iskor na 29-8. Doo’y nagtuloy-tuloy na ang panalo ng Gilas hanggang fourth quarter.

Mga iskor:

PHILIPPINES 84 – Romeo 17, Standhardinger 16, Cruz 11, Pogoy 9, Norwood 8, Wright 8, Aguilar 5, Jalalon 4, Abueva 3, Almazan 2, Castro 1

IRAQ 68 – Galloway 23, Hamzah 12, Al-Khafaji 8, Ismael 6, Hameed 5, Hamad 5, Abdullah 3, Dhafer 2, Talib 2, Alfburi 2, Aljuboori 0, Alazawi 0

Source :

ABS CBN, Spin