2, 000 na mga puno, itinanim ng rehab graduates sa Valenzuela

Imahe mula sa Valenzuela City FB page.Imahe mula sa Valenzuela City FB page.

Nagtanim ng 2, 000 na mga puno ang mga graduate ng drug rehabilitation sa isang dating tapunan ng basura sa lungsod ng Valenzuela kamakailan lamang.

Batay sa ulat ni Jel Santos ng Manila Bulletin, ang mga nagtanim ng puno ay mula sa iba’t ibang barangay sa Valenzuela. Sila ang dating drug personalities na sumailalim sa rehabilitasyon sa isang pasilidad sa probinsya ng Pampanga.

Hinggil sa hepe ng Valenzuela police na si Sr. Supt.  Ronaldo Mendoza, ang mga punong itinanim ng mga dating nalulong sa bawal na gamot ay sumisimbolo sa kanilang panibagong buhay.

 “The trees represent their new lives that they should treasure. They must continue their progress in fighting their addiction, and continue to grow like the trees,” saad niya.

[Ang mga puno ay sumisimbolo sa kanilang bagong buhay na kailangan nilang pahalagahan. Dapat nilang ipagpatuloy ang paglaban sa kanilang adiksyon, at maging mayabong tulad ng mga punong kanilang itinanim.]

Ang pagtatanim ng mga puno sa 1.5-hektaryang lupain sa Barangay Lingunan ay naglalayon ring labanan ang global warming, ani Mendoza.

Ang pagtatanim ng puno, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) representative Mateo Genson, ay ang pinakamabisang paraan upang kalabanin ang climate change.