Aguirre kay Trillanes: ‘Try mo ang show business, mahusay kang script writer’

Public Domain

“Senator Trillanes should try his hand in show business. He is proving to be a good script writer.”

Mahusay na scriptwriter si Senador Antonio Trillanes IV; ito ay ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ito ang inihayag ni Aguirre kasunod ng tirada ni Trillanes na inaabsuwelto ang negosyanteng si Kenneth Dong sa may P6.4 shabu shipment mula sa China; ayon sa ulat ng Sun Star.

Amusing. I had a good laugh when I read it. We could all use the comic relief he provided,” ayon kay Aguirre.

Ayon sa Kalihim, maaaring magamit ng gobyerno bilang state witness si Dong na tumayong middleman sa shabu shipment. Ngunit nakadepende pa rin umano sa magiging testimonya ni Dong na kina­kailangang siya ang lala­bas na hindi pinaka-guilty sa mga akusado.

Wika pa ni Aguirre, mas makabubuti kung ituro na lamang kung nasaan si self-confessed media killer na si Arturo Lascañas na umaming pumatay sa broadcaster na si Jun Pala.

Since Senator Trillanes is into story writing nowadays, perhaps he should also tell all concerned and res­ponsible media practitioners where he is hiding the self-confessed media ­killer Arturo Lascañas, the man who admitted killing media man and radio anchor Jun Pala. Now that is a story worth telling,” ani Aguirre.