Charlene Gonzales may ‘sweet birthday message’ sa mister na si Aga Muhlach

Imahe mula sa Instagram ni Charlene Gonzales

May matamis na mensahe si Actress-TV host Charlene Gonzales sa kaniyang kabiyak na si Aga Muhlach para sa kaarawan nito.

Sa Instagram post ng magandang maybahay, labis itong nagpasalamat sa kaniyang mister dahil sa lubos na pagmamahal nito. Aniya: “Happy birthday my love.. Here’s to another great year ahead.. Thank you for bringing love, happiness and laughter into our lives but most especially, for just being you 😘… I love you with all my heart ❤️ Happy Birthday again B.”

Makikita sa larawan ang collaged photos nina Muhlach at ng kambal nilang sina Atasha at Andres. Ang birthday cake ay regalo ng kanyang kambal.

Ang ika-48 na kaarawan  ni Muhlach ay itong Agosto 12.

Matatandaang nag-isang dibdib sina Muhlach at Charlene noong Mayo 28, 2001 sa Baguio City.

Maligayang kaarawan sa ‘ultimate crush ng bayan!’