Daniel Padilla kay Paul Salas: ‘Nabastos lang ako!’

Public Domain

“Hindi naman ako nagalit, nabastos lang… Para sa akin, kasi medyo nabastos lang ako na mas bata siya sa akin. Ako kasi, pagkatao ko bilang artista, kapag may mas matandang artista sa akin, nirerespeto ko.”

Ito ang naging pahayag ni Daniel Padilla matapos makaalitan si Paul Salas sa Twitter.

Nag-ugat ang alitan sa Twitter nina Padilla at Salas makaraang magkainitan nina  JC de Vera at Padilla sa Star Magic All-Star basketball game.

Sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Paul, sana sa laser tag na lang naglaro si Daniel kung ayaw niyang masaktan.

Wika ni Padilla, hindi naman big deal sa kanya ang nangyari sa pagitan nila ni JC dahil bahagi ito ng basketball game.

Nunit inamin ni Padilla na nabastos lang siya sa inasal ni Paul dahil mas nakababata ito sa kaniya.

“Pero para sa akin, para ako atakihin mo at masama pa doon may pinagsamahan din kami, hindi ko lang tinolerate iyong ganoong bagay,” ani Padilla.

Ngunit iginiit ni Padilla na hindi siya galit kay Paul at narindi lamang siya sa dami ng nangyari kaya hinamon niya ang group of friends ni Paul ng 5 on 5.

“Maraming nagtanggol sa akin pero tama na ang pamba-bash, okay na iyon. Ako naman, hindi ko naman intention na kaya ko sinagot para ma-bash din siya, sinagot ko siya para malaman niya na alam ko iyong ginagawa nila,” saad pa ni Padilla.