Dating Sexbomb Dancer Rochelle Pangilinan ikinasal na sa kanyang long time BF

Imahe mula sa Instagram ni Rochelle Pangilinan

Nag-isang dibdib na ang dating Sexbomb dancer na si  Rochelle Pangilinan at ang  long-time boyfriend nitong si Arthur Solinap, sa Tagaytay nitong Martes, Agosto 8.

Sina Pangilinan at Solinap ay ikinasal sa pamamagitan ng Christian ceremony sa Los Arboles, ayon sa ulat ng GMA.

Sa Instagram post ni Rebya 23, ibinahagi nito ang suot niyang  mermaid dress na may fully embroidered at crystallized cape ni Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco.

Star studded naman ang kasalang ito sa pagdalo ng mga kilalang personalidad tulad nina: Vic Sotto at Pauline Luna, Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Tito Sotto, Joey de Leon, Allan K, John Arcilla, Ruby Rodriguez, Gloc-9, Dingdong Dantes, Michael V, Sunshine Dizon, Jolina Magdangal, Hayden Kho, at magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz.

Taong 2016 nang ianunsiyo nina Pangilinan at Solinap ang kanilang engagement. Sila ay naging magkasintahan sa loob ng pitong taon.

Tunghayan ang ilan sa mga larawan at video ng kasalang Solinap-Pangilinan:

Mga ninong! Pawis na pawis na! Bakit kasi hindi Barong Tagalog?

A post shared by Tito Sotto (@helenstito) on

#artrocingodsperfecttime 🖤

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

🖤 #artrocingodsperfecttime

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Congratulations!

Panoorin ang ulat na ito ng 24 Oras: