Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ipinasilip ang kanilang wedding invitation

Imahe mula sa Instagram ni Vickie Belo

Makaraan ang civil wedding nina  Vicki Belo at Hayden Kho nitong Hunyo, abala naman ngayon ang mag-asawa sa paghahanda sa kanilang kasal sa Paris, France sa Disyembre.

Excited na ibinahagi ni Dra. Belo sa kaniyang Instagram ang kanilang wedding invitation  ni Hayden.

Ito ay may  caption na: “Less than a month to go 👰🤵Finally, we’ll be one in front of God and our most beloved family and friends. Hayden and I couldn’t wait to celebrate this occasion with you” #aKHOandmyBELOved

Ang mamahaling imbitasyon ay  may wax seal at pops open upang makita ang illustrations nina Belo kasama sina Kho at ang anak na si Scarlet Snow.

Hindi pa idinetalye ang magaganap na kasalan ngunit sinabi ni Belo na siya’y magsusuot ng gown na idinisenyo ni Dubai-based Michael Cinco.

Kamakailan ay naiulat na niregaluhan ni Belo ang kaniyang sarili ng special edition ng Louis Vuitton “Capucine Skyline” handbag na nagkakahalaga ng 48000€ o P284,005 para sa nalalapit nilang kasal sa Disymbre.