Faeldon tatlong beses hiniling na siya’y maalis sa puwesto – Duterte

Tatlong beses hiniling ni Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na siya’y maalis sa puwesto; ito ay ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Duterte nang bisitahin niya ang mga pulis sa Ozamiz City nang patungkuluan nito ang isyu sa korapsiyon sa loob ng BOC; ayon sa ulat ng GMA.

Hindi ko naman akalain ‘yang Bureau of Customs na ‘yan, akala ko kaalyado ko. Pero si Faeldon is not the one. He is not that kind of person. Hindi ko siya dedepensahan. Si Faeldon has written me thrice, tulo, asking me to relieve him. Noon pa ‘yan pag-umpisa pa ‘yan,” ani Duterte.

Sabi niya, ‘Hindi ko natupad ‘yung pangako ko sa ’yo.’ And he was—he was right. Sabi niya, ‘Hindi ko na-control sir, hindi ko talaga kaya eh.’ Eh because the Customs is—pagka X-rated pa hard core; it is corrupt to the core,” dagdag pa nito.

Magugunitang sumabog ang P6.4B shabu controversy sa ilalim ng pamumuno ni Faeldon sa BOC.

Hinimok naman ng mga mambabatas na magbitiw si Faeldon.