Gahiganteng bagyo na sinlaki ng Earth, namataan sa planetang Neptune

Image from Ned Molter, Imke de Pater and Carlos Alvarez

Naobserbahan ng mga astronomers ang isang napakalaking storm system na tinatayang sinlaki ng Earth sa planetang Neptune – sa dakong equator nito kung saan wala namang namamataang ulap noon.

Ayon sa Deccan Chronicle, si Ned Molter , graduate student ng University of California sa Berkeley ang nakatuklas ng malaking unos sa Neptune gamit ang WM Keck Observatory telescope sa Maunakea sa Hawaii.

Aniya, nakakagulat na may makitang bagyo sa dakong equator ng planeta dahil karaniwan umanong nabubuo ang mga storm clouds malapit sa mga poles nito. Kadalasan daw ay napakatahimik lang sa equator kaya tinawag niyang “spectacular” ang pagkakaroon ng napakalaking bagyo sa bahaging iyon ng Neptune.

Tinatayang nasa 9,000 kilometro ang lawak ng giant storm na katumbas umano ng 1/3 ng radius ng Neptune. At ang bugso naman ng hangin ay umaabot sa 1,600 kilometers per hour o makasampung beses ang lakas kumpara sa bugso ng hangin na nararanasan natin dito sa Earth.

 

Fact-checked against the following source(s) :

Deccan Chronicle, Mirror, National Geographic