Galing Pinoy! Team Pilipinas dinomina ang 2017 World Hiphop Dance Championship

Imahe mula sa Twitter ng Hip Hop International

Iba talaga ang talentong Pinoy!

Tatlong dance team na kinatawan ng Pilipinas ang nagwagi sa 2017 World Hiphop Dance Championship na ginanap sa Phoenix, Arizona nitong Agosto 13.

Ang UPeepz, isang professional dance crew mula sa UP Diliman, ang nagdomina ng MegaCrew Division, na may kabuuang 8.33 puntos, kasunod ang Da’ Republik mula Dominican Republic na may 8.08 puntos; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Dalawa pang dance team mula sa Pilipinas ang nakapasok sa top 5 ng naturang kompetisyon. Ang Legit Status ay nagkamit ng ikatlong gantimpala na may 7.99 puntos, habang ang The Alliance ay nasa ikalimang puwesto na may iskor na  7.70.

Ilan pang mula sa Pilipinas ang nagwagi sa iba’t ibang kategorya tulad ng: Lil Peepz nagtapos ng ikapito sa junior division,  habang ang  Kingsmen at Legit Status ay nagtapos ng nasa ikapito at ikawalong puwesto ayon sa pagkakasunud-sunod sa varsity division.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ang UPeepz ay nagwagi ng top prize sa MegaCrew Division. Sila rin ang nagwagi ng 1st place noong nakaraang taon.

Congratulations!

Source :

Twitter, ABS CBN