Isang buwan na suspensyon, ipinataw ng LTFRB sa Uber

Mga imahe mula sa Subselfie.com at Vanne Terrazola Twitter accounts.

Sinuspinde ng Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) ng isang buwan ang akreditasyon ng Transport Network Company (TNC) Uber System, Inc.

“The Board meted out the penalty of one-month suspension on the accreditation of Uber System Inc. and ordered it to cease and desist its operation of the online booking application during the period of suspension,” saad ng LTFRB, batay sa isang artikulo ng GMA News.

[Napagdesisyunan ng Board na patawan ng isang buwang suspensyon ang akreditasyong ng Uber System, Inc. at ipag-utos ang pagpapatigil sa mga operasyonn nito ng online booking application habang sila ay suspendido.]

“The Board strongly recommended to respondent Uber to extend financial assistance to its affected peer-operators during the period of suspension as an expression of good faith,” dagdag pa ng ahensya.

[Inirerekomenda rin ng Board na magbigay ng pinasyal na tulong ang Uber sa mga maapektuhan habang suspendido ang operasyon…]

Ang Uber ay binalaan noon ng LTFRB na makakansela ang kanilang akreditasyon kapag hindi pa nila itinigil ang pagkuha ng bagong drivers, batay sa ulat ng Rappler.

“Upon the conduct of investigation by the board… it was found that respondent willfully and contumaciously violates the said directive contained in the order dated 26 July 2017, specifically, by continuing to accept additional accreditation of TNVS and/or activation of accounts… Uber earlier however maintains it stopped processing applications starting July 19, but the LTFRB is not buying that story,” saad ng LTFRB.

[Matapos ng imbestigasyon ng Board…napag-alaman na ang Uber ay sinadyang hindi sumunod sa direktiba na inilabas noong Hulyo 26, 2017. Ang kumpanya ay patuloy na tumanggap ng dagdag na akreditasyon ng TNVS o aktibasyon ng accounts… Kamakailan lang sinabi ng Uber na sila ay tumigil na sa pagproseso ng mga aplikasyon noong Hulyo 19, pero hindi ito pinapaniwalaan ng LTFRB.]

“Their accredited peer-operators would not have suffered their current predicament were it not for the predatory actions of respondent Uber,” giit ng ahensya.

[Hindi sana  magdurusa ang peer-operators nila kung sumunod lamang sila sa direktiba ng LTFRB.]