James inaming ayaw sa kaniya ni Bimby: ‘Oo, ramdam ko’

Imahe mula sa Instagram ni James Yap

Inamin ni James Yap na siya’y nahihirapang makipag-ugnayan sa kanyang anak kay Kris Aquino na si Bimby.

Ayon sa ulat ng PEP, sinabi ng dating PBA MVP na walong buwan na nang sila’y magkasama ng kaniyang 10-anyos na anak. Sila’y magkasama noong Bagong Taon.

After noong pumunta sa bahay noong New Year . . . actually mag-overnight sana, hindi nakapag-overnight dahil ang taas ng fever ni Bimb. And then dinala ko sa St. Luke’s, so doon nag-New Year si Bimb,” wika ni James.

 

Sinabi rin ni James na hindi nasusunod ang visitation rights na iniatas ng korte: “Hindi naman nasusunod. Di naman. Every Friday dapat.”

Saad pa ni James, sa kabila ng kaniyang pagsusumikap na mapalapit sa anak ay hindi pa rin napalapit ito sa kaniya.

Alam mo, sa totoo lang, mahirap kasi pilitin iyong sarili, ‘di ba? Mahirap pilitin iyong sarili mo na ayaw naman sa iyo,” ani James.

Tinanong si James kung ayaw ba sa kanya ni Bimby, at ang tugon niya’y: “Oo, ramdam ko.”

Sa kabila nito, umaasa si James na balang araw sila’y mas magiging malapit ni Bimby.

Sana pagdating ng 17, may desisyon na siyang sarili na, kung gusto niya ako makita, kung gusto niya ako makita na tatay niya, anytime dito ako,” ayon pa kay James.

Noong Abril ay binati ni James si Bimby sa kaniyang kaarawan sa kaniyang Instagram account.

Nitong Agosto Agosto 12 ay ipinagdiwang naman ni James ang unang kaarawan ng kanilang anak ng girlfriend na si Michela Cazzola.

❤️ #MJroaringat1

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

❤️ #family

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

Agosto 17 naman ng opisyal nang buksan ang District 8, restaurant business ni James kasama sina Marc Pingris, Daniel Padilla, at Vice Ganda.

Source :

PEP, ABS CBN, ABS CBN