Jerika Ejercito ikinasal na sa kaniyang Spanish boyfriend

Imahe mula sa Instagram nina miquelaguilar1978/ louisapoblete

Ikinasal na si Jerika Ejercito sa kaniyang Spanish boyfriend na si  Miquel Aguilar Garcia, nitong Sabado ng hapon, August 12 sa Manila Hotel.

Congratulations to the newlyweds! Match made in heaven!!❤️ #QuelxIka

A post shared by Louisa Poblete (@louisapoblete) on

Si Jerika ay panganay na anak ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at dating actress na si Laarni Enriquez; ayon sa ulat ng PEP.

Si Jerika ang nakatatandang kapatid ni Jake Ejercito. Si Jake naman ang naghatid sa bride patungo sa kanilang ama na si Mayor Estrada.

Brother Jake Ejercito walks his sister and stunning bride Jerika to proud father and former President Joseph Estrada before saying her "I do" to Miquel Aguilar Garcia. #QuelxIka #PhilTatlerWeddings

A post shared by Philippine Tatler (@philtatler) on

Taong 2016 nang magsimula silang mag-date. Matatandaang naging engaged sina Jerika at Miguel  noong Abril 12 sa Petra, Jordan.

Si Jerika ay may 2-taong gulang  na anak sa dati nitong partner na si aktor Bernard Palanca. Tumagal ang kanilang relasyon sa loob ng apat na taon.

June 2016 nang ianunsiyo ni Bernard ang kanilang hiwalayan, ngunit nilinaw naman ni Jerika na isang taon na ang nakararaan nang sila’y maghiwalay bago pa man inihayag ni Bernard ang kanilang hiwalayan.

Congratulations sa bagong kasal! Best wishes!