Magkapatid na Parojinog nakiusap kay Dela Rosa na masilayan ang kanilang mga magulang

Imahe mula sa Twitter ni Maan Macapagal

Matapos hindi pahintulutan ng korte na makadalo sa libing ng kanilang mga magulang, kay  Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa lumapit ang magkapatid na Parojinog.

“The court chooses the path of caution and gives greater weight to the assessment of the police, more especially that of the Ozamiz police, as heretofore narrated as it is in the better, if not best, position to the same, it being equipped with the necessary means and resources,” ayon kay Ozamiz RTC Branch 15 Executive Judge Edmundo Pintac .

“The court is overly concerned for good reason that the presence of the accused-movants would provide the spark that would cause these emotions to erupt and for the opposing sides to turn violent and clash against each other,” wika pa nito.

Ayon sa ulat ng Brigada News, sa pamamagitan ng isang liham, nanawagan ang magkapatid na Ozamiz Vice Mayor Nova Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr., na masilayan ang mga magulang sa huling sandali.

Ikinalungkot ng magkapatid ang naging hatol ng korte at sinabing ito na ang pinakamasakit na kabanata sa kanilang buhay.

Maliban pa rito, siniguro rin ng magkapatid sa PNP chief na walang katotohanan ang mga intel reports na mayroon silang planong maghiganti sa pulisya hinggil sa madugong operasyon sa kanilang tahanan sa Ozamiz kamakailan.

Kasalukuyang nakapiit ngayon ang magkapatid sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa illegal possession of firearms at iligal na droga.