Magkapatid na Parojinog sumailalim na sa inquest proceedings

Imahe mula sa Twitter ni Maan Macapagal

Sumailalim na sa inquest proceedings ang magkapatid na sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Parojinog at Reynaldo Parojinog, Jr. nitong Agosto 1 sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Ang dalawa ay inakusahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act matapos ang madugong engkwentro sa kanilang tahanan na nagresulta sa pagkamatay ng kaniyang amang si Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog, at 14 pang katao; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Ayon kay Ferdinand Topacio, abogado ng  mga Parojinog, sinabi nitong ang kanilang kliyente ay tinanggihan ang kanilang right to preliminary investigation.

Dagdag pa nito, ang kaso ay naisumite na sa Department of Justice para sa resolution base lamang sa ebidensiyang isinumite ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group.

Sinabi po namin na lumampas na po ang 36 hours ngunit ang kapasyahan po ng panel of prosecutors…ay ang kaso po ay dapat magpatuloy. [Para sa mga prosecutor], ito ay inquestable and the arrest is valid,” wika ni Topacio.

Sinabi pa ni Topacio na nais ng magkapatid na bumalik sa kanilang bayan para sa burol ng kanilang ama.

Sila po ay nalulungkot pa rin po sa pagkamatay ng kanilang ama at humahanap po kami ng paraan kung papaano po sila ay makakapagbigay-pugay sa huling pagkakataon sa kanilang ama doon po sa Ozamiz City kung posible,” ani Topacio.

Nauna nang sumailalim ang magkapati na  Parojinog sa booking procedures sa Camp Crame.

Source :

Twitter, ABS CBN, GMA