NASA tumugon na sa 9-anyos na lalaking  nais maging tagapagtanggol ng kalawakan

Imahe mula sa NASA Twitter

Tumugon  ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa isang 9-anyos na lalaking  nais mag-apply bilang Planetary Protection Officer.

Kamakailan ay nag-viral si Jack Davis, grade 4  student nang sumulat ito sa NASA upang ipahayag ang intensiyon nito makuha ang posisyon sa  ahensiya.

Ayon kay Jack: “I may be nine but I think I would be fit for the jobOne of the reasons is that my sister says I am an alien also.”

Ayon pa sa aplikasyon ni Jack, siya’y karapat-dapat sa posisyon sapagkat napanood na nito ang mga space at alien movies; nakita na niya ang mga show ng Marvel Agents of Shield; mahusay siya sa video games; siya’y bata pa’t matututunan pa niyang mag-isip tulad ng isang alien; at lumagda ito sa kaniyang pangalan na may “Guardian of the Galaxy.”

Imahe mula sa NASA
Imahe mula sa NASA

Sa kasamaang palad ang trabaho ng isang planetary protector sa NASA ay hindi tulad ng special agent sa TV, ayon kay Dr. James L. Green, NASA’s Director of the Planetary Science Division na tumugon kay Jack; ayon sa ulat ng Huffingtonpost.

We are always looking for bright future scientists and engineers to help us, so I hope you will study hard and do well in school,” ani Green. “We hope to see you here at NASA one of these days!”

Imahe mula sa NASA
Imahe mula sa NASA