Next target ni Espenido ang Iloilo na tinawag ni Pang. Duterte bilang “most shabulized city”

Image from SMNI News ChannelImage from SMNI News Channel

Nais ni Ozamiz City chief of Police Chief Inspector Jovie Espenido na maitalaga bilang hepe ng pulisya sa Iloilo City.

Ayon sa ulat ng RMN, sinabi umano ni Espenido na marami na siyang nakakalap na impormasyon tungkol sa paglipanan ng illegal na droga sa Iloilo City na noon ay tinagurian ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “most shabulized city” sa bansa.

Ang una raw gagawin ni Espenido sakaling mailipat siya sa Iloilo City ay tatanuningin niya ang alkalde ng siyudad na si Mayor Jed Mabilog kung gaano kalala ang problema sa droga doon.

“Ang una kong gagawin ay kakausapin si mayor at sa kanya gusto kong marinig kung gaano kalala ang drug problem sa lugar”, pahayag ni Espenido.

Katulad ng mga Parojinog sa Ozamiz City, si Mayor Mabilog ay isinangkot rin ni Pangulong Duterte sa kalakalan ng ilegal na droga, na mariin naman niyang itinanggi.

Samantala, welcome umano si Espenido na maging hepe ng pulisya sa Iloilo, ayon kay Mayor Mabilog, upang nang sa gayon daw ay maipakita niya rito ang gingawa nilang kampanya laban sa illegal drugs.