P1 milyong halaga ng shabu naharang sa checkpoint sa Lanao del Sur; 4 katao arestado

Imahe mula sa Twitter ni Ron GagalacImahe mula sa Twitter ni Ron Gagalac

Arestado ang apat na katao makaraang masamsam ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 million sa checkpoint sa Lanao del Sur nitong Agosto 12.

Ang mga suspek ay kinilalang sina  Abedin Macasasa, Alex Macasasa, Ansary Hadji Fahad Disoma, at Fatima Billa, ayon kay acting provincial police director Senior Supt. John Gano Guyguyon.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na dadaan sa area ang apat na katao. Sinabi rin ng mga suspek na ang kanilang droga ay mula sa Maynila.

Wika pa ni Guyguyon, ang mga suspek ay  mga plain drug users at pushers at walang kaugnayan sa  Maute terror group.

Saad pa ng opisyal, aminado ang mga suspek na sila’y tagapaghatid at pinuwersa lamang  magdala ng iligal na droga sanhi ng kahirapan.

Pinabenta sa akin para daw bigyan ako ng pera, walang kapera-pera ngayon ang mga tao dahil sa hirap,” ayon sa isang suspek.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kaukulang kaso.

Source :

Twitter, ABS CBN