Pangulong Duterte, hinamon ang mga nag-aakusa kanyang anak na si Paolo

Mga imahe mula sa Vice Mayor Pulong Duterte - Official at President Rodrigo "Rody" Duterte FB pages.Mga imahe mula sa Vice Mayor Pulong Duterte - Official at President Rodrigo "Rody" Duterte FB pages.

Hinamon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang lahat ng mga nagdadawit sa kanyang anak sa korapsyon na maglabas ang mga ebidensya.

Ito ay sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Southern Davao Philippines Medical Center sa lungsod ng Davao kamakailan lamang.

Matatandaan na idinawit ni Arthur Lascañas, dating pulis Davao, ang anak ni Pangulong Duterte na si Paolo Duterte sa pagpuslit ng shabu buhat Tsina. Batay sa ulat ng Rappler, sinabi ito ng dating pulis sa isang pagdinig sa Senado hinggil sa korapsyon sa Bureau of Customs.

“If my son was really into it, all you have to do is to produce the paper. Because there are two kinds of evidence, oral pati documentary… Sabi ko, just give me an affidavit and I will step down as President of this Republic,” sabi ng pangulo, ayon sa isang artikulo ng Philippine Daily Inquirer.

[Kung sangkot talaga ang anak ko sa korapsyon, maglabas kayo ng mga papeles bilang katunayan. Mayroon lamang dawalang uri ng ebidensya—oral at documentary… Sabi ko, bigyan niyo lang ako ng affidavit at ako ay magbibitiw sa pagkapangulo.]

“Recently, itong ruckus diyan sa Customs. Alam ko every now and then, my name, my son’s name mag-mention sila. Tapos sinabi ko na ‘yan sa kanila, the mere mention of our name means corruption,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Saad ni Pangulong Duterte, ito umano ang kasunduan niya sa mga nag-aakusa sa kanyang anak.

Noong Agosto 6, nagbanggit ng mga umano’y korap na taga-pamahalaan si Customs broker, Mark Taguba. Kabilang sa kanyang binanggit ay ang anak ng pangulo.