Sawang-sawa na sa trapiko? Lalaki nilalangoy ang ilog papasok sa opisina upang iwasan ang trapiko

Imahe mula sa video ng CGTN via You Tube

Kung ang iba ay hirap na hirap sa paghahanap ng solusyon sa trapiko, natatangi naman ang paraan  ng isang lalaki sa Germany.

Ang paglangoy ni Benjamin David papasok sa kaniyang trabaho ang nakita niyang solusyon upang makaiwas sa araw araw na trapiko. Para sa kaniya ito’y pinamabilis na biyahe papasok sa kaniyang opisina sa halip na bumiyahe pa sa masisikip na kalsada ng Munich, Germany.

Ayon sa ulat ng Reuters, tuwing umaga, dala ang kaniyang water proof bag kung saan nakalagay ang mga damit at laptop at damit-panlangoy, siya’y  sasabay sa agos ng River Isar papasok sa kaniyang opisina.

Mabilis na, presko pa! “It is beautifully refreshing and also the fastest way,” ani David.

Inaabot lamang si David ng 12 minuto upang makarating sa Beer Garden na kaniyang opisina kapag malakas ang agos ng tubig. Dagdag pa nito, mas mabilis ito kumpara sa pagbibisikleta, sasakyan o kung naglalakad siya.

Tuwing winter season, lumalamig ang tubig at bumababa ang temperatura nito na naglalaro sa 4 degrees.

I mostly do this in summer. I am a bit of a wimp, but you can also do it in winter, then I’ve got a longer wet suit,” ani David.

Source :

Reuters, News AU