Tony Calvento nagbantang kakasuhan si Vice Ganda; humiling din ng public apology  mula sa komedyante

Public Domain

Nagbantang magsasampa ng kaukulang kaso ang multi-awarded journalist na si Tony Calvento dahil sa ginamit siyang  paksa ng pagbibiro ni Vice Ganda.

Sa Facebook post ni Calvento nitong Agosto 13, ibininahagi nito ang kaniyang saloobin at ang naging pag-uusap nila ni Vice Ganda.

Ayon sa ulat ng PEP, humingi ng tawad si Vice kay Calvento sa pamamagitan lamang ng cellphone. Bilang tugon gagawin umano ni komedyante ang paghingi ng paumanhin sa publiko sa Miyerkules dahil kasalukuyan itong nasa Korea para sa isang concert.

Wala po akong masasabi kundi sorry po,” ani Vice kay Calvento.

I will wait first,” ani Calvento. Ang sagot nito kung tinatanggap na ang paghingi ng paumanhin sa kaniya ni Vice.

Matatandaang naganap ang insidente noong  August 11, nang ikumpara ng komedyante ang isa sa mga Tawag ng Tanghalan contestants, si John Mark Saga, kay Calvento.

Sa naunang  binasang paumanhin ni Billy Crawford, nilinaw naman ni Vice na: “ang tanging intensyon ko ay magbigay-payo sa aming contestant na magtiwala sa sarili at sa kanyang kakayahan.”

Samantala sa latest na Facebook post ni Calvento nakasaad ang pahayag na: ‘Kung hindi guilty bakit magpa-public apology? Simple lang!’

Source :

Facebook, PEP, PEP