Trillanes ipinasisibak sa puwesto si Gordon bilang Senate blue ribbon chair

Images from DFN files

“Kung gusto talaga natin ng katotohanan, palitan na natin ang chairman ng Blue Ribbon Committee.”

Nais ipasibak ni Senador Antonio Trillanes si Senador Richard Gordon bilang chairman ng Senate blue ribbon committee.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ni Trillanes na marami na silang mga Senador ang dismayado at hindi nagugustuhan ang paraan ni Gordon  sa paghawak nito ng imbestigasyon.

Paniwala pa ng Senador,  nililihis umano ni Gordon ang usapin at sinosolo nito ang buong oras ng pagdinig dahilan upang hindi makapagsalita at makapagtanong ang ibang Senador.

Hindi na kasi makapagsalita ang ibang senador sa hearing dahil siya (Gordon] ang laging nagsasalita. Nililihis niya ang hearing, dinadala niya kung saan-saan kaya marami na ring nasusuya sa kanya dahil  hindi na sila nakapagsalita,” giit ni Trillanes.

Pinatungkulan din Trillanes ang ginawang pagdinig sa Bureau of Customs (BOC)  kung saan nag-walk out na lamang ang ibang senador dahil sinolo umano ni Gordon ang buong oras ng pagdinig.

Maliban dito, tinuran din ni Trillanes na wala ring kinahinatnan ang imbestigasyon ni Gordon sa extrajudicial killings (EJK).

Source :

GMA, Abante