Unang kaso ng avian flu sa bansa naitala, halos kalahating milyong manok kakatayin

Image from Philippines Properties Image from Philippines Properties

Kinumpirma ng Department of Agriculture ang unang kaso ng avian flu sa bansa na unang natuklasan sa isang quail farm sa Pampanga at kumalat sa mga katabing poultry farms.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nagdeklara si Agriculture Secretary many Piñol ng seven-kilometer danger zone hinggil sa avian flu outbreak, subalit ang mga manok, itik, pugo sa mga farms na nasa loob ng one-kilometer radius ay kakatayin upang maiwasan ang paglala ng kontaminasyon.

Sabi pa Piñol ang bilang naman ng mga “free range birds” na kakatayin ay tinatayang aabot sa isang milyon.

Ang H5 strain ng avian flu ang nakita sa mga manok at itik sa anim na farms sa mga bayan ng San Agustin at San Luis na kumitil na sa buhay ng 37,000 manok.

Ipinag-utos ni Sec. Piñol ang pagpapatigil ng pagbiyahe ng mga manok mula sa Luzon patungo sa ibang bahagi ng bansa upang makontrol ang outbreak.