Vice Ganda, ipinaliwanag kung bakit ngayon lamang siya magsasalita sa pagkaaresto ni Noven Belleza

Image via Instagram accounts of praybeytbenjamin and bellezanoven

Ipinaliwanag ni Vice Ganda ang dahilan kung bakit ngayon lamang siya nagsalita hingil sa pagkaaresto ni “Tawag ng Tanghalan” champion Noven Belleza.

Ani Vice, pinili niyang huwag munang magkomento dahil sensitibo ang nasabing usapin.

Aniya: “Unang-una, that is a very sensitive issue na I cannot really comment about something na I’m not fully aware of.”

Dagdag pa niya: “‘Di ba nga, ‘pag dumadaldal ako at ‘pag nagkamali ako… kaya hindi na ako nagsasalita.”

Sinabi rin ng komedyante na nagulat siya sa nasabing insidente.

Aniya: “Of course, I was shocked. Na-shock ako dun kasi nangyari dun sa concert ko.”

Nagpasalamat din si Vice sa mga awtoridad ng Cebu dahil mabait ang mga ito at pinatapos ang kaniyang concert nang mapayapa, ayon sa ulat ng PEP.

Nitong Hulyo, ibinababa ang kaso ni Noven mula sa rape ng sexual assault, ayon sa ulat ng Hataw Tabloid.

Iginiit naman ni Noven na siya ay inosente. Nangakong din ang singer na patutunayan niya ito sa proseso ng batas.