[Video] CHED, inalis na ang ban sa field trip; Bagong requirements tulad ng insurance, isinama

File photo and image capture of video by ABS-CBN News via YouTube account

Maaari na muling makapag-field trip ang mga college students!

Inalis na ng Commission on Higher Education (CHED) ang ban sa pagsasagawa ng field trip at nagpalabas ng mas pinaigting na bagong requirements tulad ng insurance para sa mga estudyante.

Ani CHED Commissioner Prospero ‘Popoy’ De Vera, ang bagong requirements ay inilabas dahil umano sa Tanay tragedy na ikinamatay ng 15 estudyante ng Bestlink College of the Philippines, ayon sa ulat ng Abante Tonite.

Ani De Vera: “We will require them to have insurance for students, check the registration, insurance, franchise, and road-worthiness of vehicles used in the transportation of students, coordinate with local government units, because there have been incidents in the past, like in Bulacan State University, where students went on a field trip and the students drowned.”

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa ABS-CBN
News: