[Video] Ilang Pilipino sa Guam, nag-aalala sa planong pag-atake ng NoKor; Posible bang tamaan ang Pilipinas?

File photoFile photo

Posible nga bang tamaan ang Pilipinas sa planong pag-atake ng North Korea sa Guam?

Bukod pa sa pangambang ito, ilang Pilipino na nasa Guam ang nag-aalala sa nasabing banta sa kalagitnaan ng Agosto.

Ayon sa isang residenteng Pilipina na nasa Guam, iniisip niya ang kaniyang pamilya.

Sa kasalukuyan ay mayroong 40,000 Pilipino ang naninirahan sa Guam na may populasyong mahigit 160,000, ayon sa ulat ng ABS CBN.

Hindi naman basta ipinagwalang-bahala ni Guam Governor Eddie Calvo, ang nasabing pag-atake ng North Korea.

Sa paliwanag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Robespierre Bolivar, normal pa rin ang sitwasyon sa Guam at kausap ng konsulada ng Pilipinas ang Filipino community at lokal na pamahalaan ng Guam.

Ani Bolivar: “Reports from our Consulate General say that the situation in Guam remains normal. Our Consulate General is in touch with both the Filipino community and relevant local government agencies in Guam.”

Nakahanda rin ang mga embahada at konsulada sa anumang emergency, ayon sa ulat ng Bandila.

Itinuturing naman ng ASEAN Foreign Ministers ang nauna nang missile test ng North Korea na seryosong banta sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon at sa mundo.

Sa inisyal na ulat ng Balitang DF, apat na Hwasong-12 missiles umano ang gagamitin ng North Korea sa plano nitong pag-atake sa Guam, USA kung saan naroon ang military bases ng Amerika.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa ABS-CBN
News