[Video] Kapatid ni Comelec chair Bautista, napauwi ng Pilipinas upang sagutin ang isyu ng ill-gotten wealth

Image capture of video by GMA News via YouTube accountImage capture of video by GMA News via YouTube account

“Nakakaawa ‘yung kapatid ko rito, eh. Parang public execution na. We will fight for our honor.”

Mula Amerika ay napauwi ang kapatid ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa Pilipinas nitong Sabado upang sagutin ang isyu ng ill-gotten wealth ng kanilang pamilya.

Kaya raw patunayan ni Dr. Martin Bautista na hindi ill-gotten ang yaman ng kapatid at ng kanilang pamilya.

Handa rin umano si Dr. Bautista na ipasilip sa mga awtoridad ang kanilang bank accounts upang patunayan na wala silang ill-gotten wealth taliwas sa ipinaparatang ni Patricia Bautista sa kanila.

Ani Dr. Bautista: “I’m willing to do that because I want to prove to the world that my brother legally earned his money before he went to government service August of 2010.”

Magpapakita raw si Dr. Bautista ng bank statements at bank deposit slips sa mga sususnod na araw na magpapatunay daw na ang pera ni Chairman Bautista ay mula sa investment nilang magkapatid simula pa noong 1992.

Giit ni Dr. Bautista, galing sa dugo at pawis nila ang kanilang kinita, ayon sa ulat ng Balitanghali.

Samantala, sa pinakahuling pagbubunyag ni Atty. Lorna Kapunan, legal adviser ni Patricia, sinabi nito na mayroong dalawang property ang Comelec chair kung saan niya dinadala ang mga babae at ginagawang sex den ang lugar, ayon sa ulat ng Balitang DF.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: