Dating PBB housemate Wil Dasovich nagsimula na sa kanyang chemotherapy para sa sakit na cancer

Imahe mula sa Instagram account ni Wil Dasovich

Nagsimula na sa kanyang chemotherapy ang travel vlogger at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Wil Dasovich.

Matatandaang inihayag ng 25-anyos na si Dasovich nitong Agosto na siya’y na-diagnose sa sakit na cancer.

Nitong Setyembre 18, ibinahagi ni Dasovich sa kanyang YouTube channel ang unang araw ng kanyang chemotherapy.

Sa video mapapanood na kasama ni Dasovich ang kanyang ama at ang kapwa vlogger at kilalang cosplayer  na si Alodia Gosiengfiao.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, nananatiling positibo si Dasovich sa pagsisimula ng kanyang cancer treatment.

I did my best to keep things entertaining and just have fun with it,” ayon sa kanyang video. As of this posting, ito’y may mahigit sa 300,000 views mula sa kanyang mga fans.

Si Dasovich ay popular na Filipino-American vlogger and model na sumali sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” noong 2016.

Ang kanyang mga video ng pagbibiyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa at iba pang Asian countries ay may mahigit sa 86 million views na sa YouTube.

God bless, Wil! Get well soon!