Dream come true: Anak ni Jose na si Myki Manalo, isang lisensyadong doctor na!

Image via Instagram account of mykimanalo

“Congratulations Jose Manalo and Myki Manalo!”

Bukod sa taglay na ganda ng anak ni Eat Bulaga Dabarkad Jose Manalo ay nakilala rin ito ng publiko bilang estudyante ng medisina — at ngayon ay isa nang lisensyadong doktor.

Naghatid ng ligaya kay Myki Manalo at sa kanyang pamilya ang resulta Physician Licensure Examination nitong Setyembre 22, 2017, ayon sa ulat ng GMA.

Agad naman niyang ibinahagi sa kanyang Facebook at Instagram account ang magandang balita.

Ayon sa Instagram post ni Myki, lubos niyang pinasalamatan ang Diyos sa kanyang pagkapasa.

Aniya: “Lord, iba ka! Ikaw lahat ‘to! Thank you! Lisensyadong doktor na po ako.”

Kumuha si Myki ng kanyang BS Psychology degree sa De La Salle University Manila noong 2012 at noong 2016 naman ay nagtapos siya ng Doctor of Medicine sa FEU-NRMF Institute of Medicine. Nakumpleto naman niya ang kanyang postgraduate internship sa De Los Santos Medical Center nitong July 2017.

LORD, IBA KA! IKAW LAHAT ‘TO! THANK YOU! LISENSYADONG DOKTOR NA PO AKO!

A post shared by Myki Manalo (@mykimanalo) on