Duterte sa anak na si Paolo: ‘My order is to kill you if you are caught’ sa drug trade

Image from City Government of Davao Fcebook page

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na patayin ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kung mapatutunayang sangkot ito sa drug trade.

Ito ang naging pahayag ng Pangulo sa naganap na Gawad Career Executive Service (CES) at 2017 Outstanding Government Workers awards sa Malacañang. Aniya, galit siya sa mga kawani ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, maging si VM Duterte ay hindi umano exempted sa kanyang kampanya kontra sa kurapsyon kung mapatutunayang sangkot nga ito lalo na sa drug smuggling.

Ang order ko nga non na ‘pag may anak ako nasa droga, patayin n’yo para walang masabi ang tao,” ayon kay Duterte.

Ang sabi ko kay Pulong, my order is to kill you if you are caught and I will protect the police who will kill you,” patungkol ng Pangulo sa palayaw ng anak.

Kamakailan ay inuugnay ni Trillanes  si VM Duterte na miyembro ng triad; isang malaking  drug syndicate.

Wika pa ng Pangulo, walang puwang sa gobyerno  ang kaniyang mga kaanak o kaibigang sangkot sa katiwalian.

Samantala inanunsiyo naman ng Pangulo ang pagtaas sa P3 Million pabuya sa sinumang magkapagtuturo sa mga tinaguriang “ninja cops” na nauna na niyang ipinahahanap sa liderato ng PNP.