Hontiveros sa ihahaing ethics complaint, kasong kriminal ni Aguirre: ‘See you in court’

Public domain

Pinagpag lamang ni Senador Risa Hontiveros ang bantang paghahain ng ethics complaint gayundin ang kasong civil at criminal ni  Justice Secretary Vitaliano Aguirre II laban sa kanya dahil sa pagsasapubliko ng palitan ng text messages nina  dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras at ng kalihim.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ni Hontiveros na si Aguirre ay: “desperately resorting to squid tactics rather than answering the accusations squarely lodged against him.”

Iginiit ng Senador na hindi niya nilabag ang right to privacy ng kalihim sa pagbahagi ng larawan ng palitan ng text messages nila ni Paras.

The shameful and deceitful text conversation was simply inadverdently caught by someone’s camera lens. Thus, there was no intent to tap or intercept his messages. There was no reasonable expectation of privacy,” ani Hontiveros.

Secretary Aguirre is chasing a dead end. But if the Justice Secretary wants to file cases against me, go ahead. See you in court, Mr. Aguirre,” dagdag pa nito.

Matatandaang nagbanta si Aguirre na maghahain ng ethics complaint laban kay Hontiveros dahil sa Bill of Rights on privacy of communications at Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Act.

Tumanggi pa rin si Aguirre na magbigay ng komento hingil sa text messages nila ni Paras.

Iginiit ni Hontiveros na walang kasangkot na wiretapping sa inilabas niyang rebelasyon.

 

Source :

GMA, Brigada News, RMN