Jak Roberto ginawaran ng Gintong Kabataan Awards

Imahe mula sa Instagram account ni Jak Roberto

Kinilala ang talento ni Kapuso actor Jak Roberto sa taunang Gintong Kabataan Awards.

Sa Instagram post ni Jak, ibinahagi nito ang larawan ng kaniyang tropeo kasabay ang pagpapasalamat sa awarding body. Ang 23-anyos ay nakatanggap ng Gintong Kabataan sa Larangan ng Sining at Kultura.

Thank you Gintong Kabataan Award for the field of entetainment. 🏆

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

#Jmi #JackRussellPug 🐶

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Ang Gintong Kabataan Awards ay inorganisa ng mga Provincial Youth, Sports, Employment and Development Office sa ilalim ng provincial government ng Bulacan.

Nauna nang ginawaran ng parehong pagkilala sina Ken Chan at Sanya Lopez noong 2016 at Maine Mendoza noong 2015.

Maituturing naman na dagdag blessing ito kay Jak makaraang kumpirmahin ni Kapuso actress Barbie Forteza ang kanilang relasyon via Instagram nito lamang Agosto.

❤️❤️❤️

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on