Kahanga-hangang PWD: “Ang Wish ni Kuya Nonong, ang magpapandesal”

Edad 20 si Kuya noong napilay siya, edad ng kabataan na dapat sana’y pinakamasayang yugto ng kanyang buhay pero pinutol ng kapansanan..

Nakakainspire siya kasi kahit ganito ang kalagayan niya, lumalaban nang patas sa buhay. Nagsisikap mabuhay nang walang pineperwisyo. ^_^

Nakapagpepedal siya nang mabagal ngunit hindi nakalalakad. Nakapagtitinda kahit isa siyang PWD (Person with disability) dahil ayaw niyang maging pabigat sa kanyang mga kapatid at pamangkin. Ulila na siya sa magulang.

Sa October 25 ay ika-33 kaarawan niya at sabi niya may wish daw siya para sa birthday niya.

1) Makapagsimba sa Baclaran Church (‘yung makapasok siya sa loob dahil lagi siyang nasa pedicab at hindi makalakad papasok)
2) Magkaparty nang bonggang-bongga dahil hindi pa niya nararanasan magcelebrate ng kanyang kaarawan. [Pati birthday cake hindi pa]

Sabi umano ng isang admin ng Mga Balitang Pinas Facebook page: “Sige, sagot ko na 3 kilong pansit pampahaba ng buhay. Tuwang-tuwa na siya doon! ^_^

Pero pagkaalis niya, napaisip umano ang suki ni Kuya Nonong.  Posible kayang matupad ang dalawang wish ni Kuya Nonong? ^_^

Try natin?   <3 <3 <3 #KMJS #RatedK #WishKoLang

Sa edad na 32, hindi na siya nagkaasawa’t pamilya dahil nga sa kanyang kalagayan, pero ayaw rin niyang maging pabigat sa kanyang mga ka-pamilya kaya sinikap niyang maghanapbuhay kahit tagabenta lang ng pandesal at suman; mapaumaga’t hapon iyan simula noong taong 2003.

Mapapahanga ka sa kanya…dahil sa kabila ng nangyari sa kanya, sa kalagayan niya, go lang siya nang go!

May kapansanan pero kumikita. May mapait na kahapon pero lumalaban nang may ngiti sa bawat araw.

Ganyan ang tunay na Pinoy. Positibo, Masayahin. Hindi pagagapi sa anumang pagsubok.

Narito ang buong kuwento ng buhay niya sa blog na nailathala noong isang taon.

#Pinoys of Pinas: Kakaibang Kuwento ni Kuya Nonong “Ang Magpapandesal”