Karen Davila nakadaupang-palad na si ‘KaladKaren’: ‘Ang galing mo, my God!’

Imahe mula sa Twitter account ni Julius Babao

Todo papuri ang ABS CBN reporter Karen Davila nang makadaupang-palad nito si Jervi Li o kilala bilang ‘KaladKaren’.

Sa Twitter post ni Julius Babao,  ibinahagi nito ang video ng pagbisita ni Li kay Davila nitong Setyembre 20.

Nag-bonding sina Davila at Li. Lingid din sa ilan na sila’y nagtapos sa parehong unibersidad. Nangako rin sila sa isa’t isa na muling magkikita sa weekend.

“Ang galing mo, my God!” papuri ni Davila kay Li.

Si Li ay kasalukyang  head writer ng reality show sa isang cable TV channel.

Kamakailan ay isang video, “Kaladkaren”, ang nag-viral sa social media kung saan ay makikitang may gumagaya o nag-i-impersonate sa magandang ABS CBN journalist na si Karen Davila.

Sa video ay mapapanood ang paglalahad ng sitwasyon ng  “Correspondents team”  ni Kaladkaren kung saan gayang- gaya nito boses at paraan ng pananalita ni Davila habang tinatawid nila ang ilog.