Larawan nina DOT Usec Kat De Castro at sinasabing BF, agaw-pansin sa social media

Imahe mula sa Facebook account nina Kat De Castro/Pancho Juanitez

Agaw-pansin at binabatikos ngayon sa social media ang isang larawan  ng anak ni dating Vice President Noli de Castro na si Department of Tourism (DOT) Undersecretary Kat de Castro kasama ang diumano’y boyfriend nito na si Pancho Juanitez.

Sa isang open letter ng Pinoy Ako Blog, kinuwestiyon ng isang netizen si DOT De Castro dahil lagi nitong kasama sa anumang events ng DOT si Juanitez.

Siya ang drummer ng Arpie and the Multivitamins. Lagi niyo pala syang kasama sa mga tra­vel niyo. Wala po akong pakialam sa mga non official escapade niyo po. May pakialam po ako dito. Official travel yan eh. Sino po ang nagbaba­yad sa hotel expenses niyo? Galing po ba yan sa DOT? May personality po ba si drummer boy sa gobyerno para po gastusan ng gobyerno?” nakasaad sa naturang open letter.

Ayon pa sa blog, kasama rin ni De Castro si Juanitez sa shooting ng iTravel Phi­lippines at gayundin sa isang event ng DOT sa Davao kung saan nandoon din ang banda nito.

Hindi pa nagbibigay ng reaksyon o pahayag  ang kampo ni De Castro at maging ng sinasabing boyfriend nitong si Juanitez hinggil sa isyu.

Initials lamang na ‘PAB’ ang nakasaad sa sumulat ng open letter na naibahagi  sa social media.