Malapalasyong bahay ni Mayweather Jr, ipinasilip sa social media

Image from Floyd Mayweather's Instagram account

Ipinasilip sa Instagram account ni undefeated American boxing champion na si Floyd Mayweather, Jr. ang bagong mansyon na kanyang nabili sa halagang $25,500,000 sa pusod ng Beverly Hills.

Umabot naman sa $500,000 ang halaga ng mga kasangkapan na nabili ng 40-anyos na superstar boxer.

Ang marangyang bahay ay nabili  umano ni Mayweather Jr. matapos ang laban niya kay Conor McGregor, kung saan siya ang itinanghal na panalo. Tinatayang umabot sa mahigit $100 million ang kinita ng boksingero na kilala rin sa tawag na “Money.”

Ang mansyon na tinawag ni Floyd na “castle” ay mayroong 50-person cinema, swimming pool, 10 bathrooms, gym, spa, wine cellar at garahe na kasya ang apat na sasakyan.

The grass ain’t greener on the other side. #Beverly Hills #90210 #TBE #TMT

A post shared by Floyd Mayweather (@floydmayweather) on

My wine cellar in my Beverly Hills castle.

A post shared by Floyd Mayweather (@floydmayweather) on

Grabbing a few snacks before watching Sportscenter in my Beverly Hills Palace movie theatre, that comfortably seats 50 people.

A post shared by Floyd Mayweather (@floydmayweather) on