Mga awitin ng Smokey Mountain, muling mapakikinggan

Public domain

Nasasabik ka bang sila’y muling marinig?

Eto na! Muling mapakikinggan ang magagandang awitin ng kilalang grupong  Smokey Mountain.

Ayon sa ulat  ng ABS CBN, lumagda ng kontrata ang kompositor na si Ryan Cayabyab at Smokey Mountain member na si James Coronel sa Star Music upang muling maiparinig ang kanilang mga awitin sa bagong henerasyon.

Wika ni James, sana raw ay suportahang muli ng publiko ang kanilang mga awitin, at unawain ang mensahe ng kanilang mga kanta lalo’t napapanahon ang mga ito sa mga nangyayari sa ating lipunan.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng Smokey Mountain ay ang “Paraiso”, “Can This Be Love” at “Kailan.”

Ang orihinal na grupo ay binubuo nina  James Coronel, Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, at Tony Lambino .

Ang ikalawang line up ng banda ay binubuo nina James Coronel,  Jayson Angangan, Chedi Vergara, at Zhar Santos makaraang lumisan nina Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo at Tony Lambino sa grupo. Kalaunan si James Coronel ay nilisan din ang grupo upang pasukin ang solo career at si Anna Fegi ay pinalitan si Zhar Santos noong 1994 tour sa Japan.

Muling pakinggan ang ilan sa mga awiting pinasikat ng bandang Smokey Mountain: