Mga lider ng terorista malabo nang makatakas, mga tulay sa Marawi bantay-sarado ng militar

Image capture of video by ABS-CBN

Bantay-sarado na ng mga sundalo ang tatlong importanteng tulay na nagdudugtong sa “safe zone” at “main battle area” sa Marawi City kaya mahihirapan na umanong makatakas pa ang mga lider ng mga terorista.

“The Maute will not be able to use the bridge as an exit point kung gusto nilang tumakas,” ani Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Ranao.

Malaking bagay umano ang pagkakabawi sa mga tulay, ani Brawner, dahil masisimulan na ng militar ang susunod na hakbang sa kanilang operasyon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang krisis sa Marawi City, dalawang heneral na nangunguna sa military operations laban sa Maute Group ang tumawid sa mga tulay na nabawi.

Sinabi ni Colonel Brawner na sina Major Generals Rolando Bautista at Danilo Pamonag, commander ng Joint Task Force Marawi at commander ng Joint Special Operations Task Force Trident, ayon sa pagkakasunud-sunod, ay tumawid sa Bayabao Bridge at Masiu Bridge dalong alas-diyes ng umaga nitong Linggo, ika-24 ng Setyembre.

Ang pagtawid ng dalawang heneral sa tulay ay itinuturing na “symbolic march of victory” ng militar laban sa mga terorista.

 

Source :

ABS-CBN, Rappler