Mga miyembro ng House of Representative nagsagawa ng ‘Duterte fist sign’ makaraang maipasa ang  2018 nat’l budget, P1,000 budget ng CHR

Imahe mula sa Twitter account ng PH News

Tila simbolo ng pagkakaisa ang puwersang ipinakita ng mga miyembro ng House of Representative matapos magpakuha ng larawan ng fist sign; ang signature post ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang maaprubahan sa ikalawang pagbasa ang P3.767-trillion national budget sa 2018.

Ayon sa ulat ng GMA, isa sa mga probisyong iminungkahi ng General Appropriations Bill ang alokasyon ng P1,000 sa Commission on Human Rights (CHR) kung saan ito’y kritiko ng war on drugs pamahalaan.

Ayon sa ulat, may 119 mambabatas ang pumabor sa P1,000 budget habang 32 tutol dito. Ang CHR ay may P623.38 million na mungkahing  budget sa 2018.

Maliban sa CHR, makatatanggap din ng P1,000 budget ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Energy Regulatory Commission (ERC).

Source :

Twitter, GMA, ABS CBN