Mocha Uson nagpaliwanag at humingi ng paumanhin hinggil sa isyu ng pagsuot ng boots, ‘selfie sa loob ng mosque’

Image capture from Mocha Uson Blog video via Facebook

Binatikos ng isang opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) si Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson sa diumano’y  pag-selfie at pagsusuot ng kanyang boots sa loob ng  mosque.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi umano ni Zia Alonto Adiong, kinatawan ng Lanao del Sur ng first district, na kasama ni Uson si Pangulong Rodrigo Duterte nang bumisita ito sa Grand Islamic Mosque sa Marawi City nitong Setyembre 11; isang araw matapos itong mabawi ng militar  mula sa ISIS-inspired Maute group simula pa noong Mayo.

That’s where Usec. (sic) Uson was taking selfie with her boots on,” ani Adiong.

Maliban pa sa suot na boots, si Uson ay naiulat na walang suot na hijab.

Bilang pagbibigay-diin, ipinakita umano ni Adiong ang isang larawan ng kanyang anak at pamangkin na nasa mosque at nakayapak na kuha noong 2016 Eid Fitr congressional prayer. Ani Adiong: “Notice how we teach our kids to leave their slippers and not to bring them inside the holy ground.”

We should avoid actions that may offend our Muslim brothers and sisters,” dagdag pa ni Adiong, na nagsisilbi ring spokesman ng provincial peace and order council.

Pinayuhan din ni Adiong si Uson na: “Hire an etiquette manager, if there’s any.”

Samantala, bilang tugon ay  humingi naman ng paumanhin si Asec Uson sa Muslim community sa pamamagitan ng isang Facebook post. Aniya, hindi niya intensyon na idisrespeto ang mosque.

“Una sa lahat, ako po’y humihingi ng paumanhin sa ating mga kapatid na Muslim na na-offend sa pagsama ko po sa loob ng mosque. Wala po akong intensyon na i-disrespect ang mosque. Sumama po ako sa loob sapagkat kinukuhanan ko po si PRRD sa kanyang pagbisita sa battlezone ng Marawi (panuorin ang video para sa buong paliwanag).”

Subalit bukod sa paumanhin ay tinawag rin niya ang pansin ng GMA News hinggil sa diumano’y maling balita na iniulat ng network tungkol sa kanya.

“Tinatawagan ko ng pansin ang GMA7 sa pekeng balita na inilabas nila kahapon September 12, 2017.”

Panoorin ang tugon ni Uson sa balitang inilathala ng GMA: