OFW nagbitiw sa kanyang trabaho sa Dubai upang maging atleta ng bansa

Imahe mula sa Facebook account ng Ed Lee Design/Godfrey Esperanzate Taberna

Isang atletang Pinoy ang nagbitiw sa kanyang trabaho sa United Arab Emirates dahil mas pinili niyang maglingkod sa bayan sa nalalapit na 9th ASEAN Para Games na magaganap sa Malaysia ngayong buwan.

“Mas gugustuhin ko na magsilbi sa ating bayan kaysa sa ibang bansa,” ayon kay Godfrey Esperanzate Taberna. “Mas masarap magsilbi sa ating bayan kahit konti lang allowance.”

Ayon sa ulat ng GMA, si Taberna, 37, ay nagtatrabaho bilang bike mechanic sa Dubai. Nilisan niya ang Pilipinas noong Setyembre 2016 upang makahanap ng trabaho.

Sa kabila ng pagkakaroon ng ‘club foot’, determinado si Taberna na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na katawanin ang bansa sa mga international tournaments.

Pangalawa lang ang premyo sa hinahangad ko. Ang pinakamasayang karangalan ay i-represent mo ang bayan,” ayon sa tubong Nueva Vizcaya.

Batay sa karanasan ni Taberna taliwas umano ito sa kaniyang inaasahaan doon bilang isang OFW.

Mahirap doon. Delay ang sahod at hindi ko magawa ang passion ko kaya nag-desisyon na lang na umuwi para ipagpatuloy ang naumpisahan dito,” ani Taberna.

Kinuha ako bilang athlete at tutulong sa shop na may sahod. Pagdating doon, tuwing day off na lang pwede mag-ensayo,” saad pa nito.

“Dito, mas gusto ng boss na naglalaro ako para ma-advertise ‘yung store at mga product imbes na kukuha siya ng endorser,” dagdag pa nito.

Unang lumahok si Taberna sa 1st Asian Para Games sa Guangzhou, China, noon Oktubre 2010, kung saan siya’y nagwagi ng ikaapat na puwesto. Kasunod pa ang mga kompetisyon sa Malaysia, India, at South Korea kung saan nagwagi rin siya ng silver at bronze medal.

Ang Para Games, ay magaganap sa Setyembre 19 hanggang 24.  Si Taberna ay kalahok sa track race at road race.

Taberna, saludo kami sa iyong kabayanihan at pagmamalasakit sa bansa!

Source :

Facebook, GMA