P1,000 budget ng CHR sa 2018 aprubado na sa House of Representatives

Public Domain

Inaprubahan ng House of Representative ang P1,000 budget sa 2018 ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Setyembre 12.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, may 119 mambabatas ang pumabor sa P1,000 budget habang 32 naman ang tutol dito.

Ang CHR ay isa sa mga kritiko ng pamahalaan sa war on drugs na may P623.38 million na mungkahing  budget sa 2018.

Ayon sa ulat, pinaboran ni 1SAGIP Party-list Rodante Marcoleta ang P1,000 budget sa pagbatikos nito sa CHR dahil sa: “not upholding the human rights of everyone” at bigong mahabol ang mga kriminal. Pinatungkulan pa nito ang batas at ito’y executive fiat lamang ni dating Pangulong Corazon Aquino na lumikha ng CHR.

Ngunit ito’y tinutulan ni Buhay Party List Rep. Lito Atienza. Aniya, dapat ay P2 billion ang budget ng ahensiya dahil sa maraming akusasyon ng paglabag sa karapatang pantao sa war on drugs ng pamahalaan.

Ikinalungkot naman ni CHR Chairman Chito Gascon ang budget cut, at aniya sa kongreso: “whimsical & capricious display of vindictiveness.”

We had hoped that both the Speaker & the House Majority would have been persuaded by reason & necessity to allocate an adequate budget to CHR in order for us to effectively perform our constitutional mandate as an independent office to protect human rights,” ani Gascon.