Richard Gomez, tinawag nga bang ‘sundalong kanin’ si Trillanes?

File photo

Tinawag nga ba ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na ‘sundalong kanin’ si Senador Antonio Trillanes IV?

Tila ginawang katatawanan ni Gomez ang pag-akusa ni Trillanes na may kinalaman ang presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte sa Chinese drug syndicate dahil umano sa tattoo nito sa katawan.

Dahil dito, nag-post si Gomez sa kanyang Facebook account na nagpapakita ng kanyang apat na tattoo na may kinalaman sa sports action, ayon sa ulat ng News Portal.

Aniya: “Eh paano, Triad na ako ngayon?! Ungas!!!”

Komento pa niya: “Yung may dragon naman kasi may secret code daw sabi ni sundalong kanin.”

Sa kasalukuyan na pag-uulat, ang Facebook post ni Gomez ay may 2,500 reactions na.

Samantala, pinasaringan ni Atty. Rainier Madrid, abogado ng presidential son, si Trillanes dahil sa pagpilit nitong ipakita ng kaniyang kliyente ang tattoo nito na nasa likod, ayon sa ulat ng GMA.

Paliwanag ni Madrid: “I thought it will be explosive? Where are they?…You only presented the body. The body of ano — is he gay? If he’s gay, probably, if he said that to me, ‘I want to see yours,’ then I would have probably showed it myself.”

Iginiit din ng abogado ni Pulong na bigo ang senador na magpakita ng mga ebidensiya na mag-uugnay sa kaniyang kliyente sa iligal na droga at smuggling activities sa Bureau of Customs (BOC).