Sara Duterte tinutulan ang pagtatalaga ng  mga Davao-pulis sa Caloocan City

Image from Sara Duterte Facebook page

Hindi sang-ayon si Mayor Sara Duterte-Carpio sa plano ni PNP Chief General Ronald Dela Rosa na italaga sa Caloocan police station ang ilang pulis mula sa Davao City.

Ayon sa ulat ng RMN, sinabi ng Alkalde na sa Davao City nakatira ang Pangulo kaya kakailanganin ang maraming puwersa upang matiyak ang seguridad nito.

Wika pa ni Mayor Duterte, marami namang mahuhusay na pulis mula sa Luzon ang maaaring ipalit sa mga police Caloocan.

Kamakailan ay nanawagan si Dela Rosa sa Davao City PNP na lumipat sa Caloocan sapagkat kumpiyansa ito sa paraan ng pagtatrabaho ng mga ito.

Ngunit paglilinaw ni Dela Rosa, hindi siya namimilit o ni hindi magtatalaga ng mga pulis mula sa Davao dahil nais niya itong magboluntaryo na mailipat sa Caloocan City.

Matatandaang sinibak ni National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde ang lahat ng tauhan ng Caloocan City police kasunod ng isang kuwestyonableng operasyon.

Sa isang CCTV footage ay makikitang nanloob ang mga tauhan ng pulis Caloocan sa isang bahay kahit walang search warrant ang mga ito.

Source :

RMN, UNTV, Balita DF