Sibling goals! Makaraan ang 10 taon, Kapatid ni Sandara Park na si Thunder muling nagbalik sa Pilipinas

Imahe mula sa Instagram account ni Sandara Park

Koreano man ang kanilang lahi, hindi maipagkakaila na sila’y may pusong Pinoy rin.

Muling nagbalik sa Pilipinas ang Korean pop star na si Sandara Park at sa pagkakataong ito’y kasama naman ang kanyang kapatid na si Thunder.

Sa Instagram post ni Sandara, ibinahagi nito ang ilang mga larawan ng kanilang pagbisita sa bansa. Ito ay may caption na: “Came back to Manila with Thunder after 10yrs 😂 mabuhay!!

Came back to Manila with Thunder after 10yrs 😂 mabuhay!!! 😀👋🏻

A post shared by Sandara Park (@daraxxi) on

Park siblings, touchdown, Manila!!!

A post shared by Sandara Park (@daraxxi) on

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sampung taon na ang nakalilipas mula nang lisanin ni  Thunder ang bansa kung saan sila lumaking magkapatid.

Dinala ni Sandara ang kanyang kapatid sa Palawan. Matatandaang dito niya rin dinala ang kanyang mga kasama sa 2NE1 member CL noong Hulyo.

Team DoongDara hwaiting!!! 👊🏻 #OneNightFoodTrip in #Palawan

A post shared by Sandara Park (@daraxxi) on

Si Thunder o si Park Sang-hyun ay dating miyembro ng Korean boy group na MBLAQ.

Sina Sandara at Thunder ay may isa pang kapatid — si Durami. Sila’y isinilang lahat sa Busan, South Korea at lumaki sa Pilipinas.