Speaker Alvarez, tinawag na ‘mabagal na kapulungan’ ang Senado

MAYNILA, Pilipinas – ‘Mabagal na kapulungan’ —  iyan ang ibinansag ni Speaker Pantaleon Alvarez sa Senado dahil umano sa kakulangan ng aksyon sa mga batas na matagal na nilang naipasa subalit nananatiling nakabinbin.

Inihalimbawa ni Alvarez ang death penalty bill na noong Marso pa nila naaprubahan sa Kamara subalit wala pa ring nangyayari sa Mataas na Kapulungan.

“‘Yung death penalty alam naman natin lahat ipinasa natin ‘yan last year. Hanggang ngayon nakabinbin pa rin sa mabagal na kapulungan. Alam n’yo we forwarded 210 bills ha,” ani Alvarez.

Ayon sa Speaker, hindi niya lubos maisip kung bakit patuloy na inuupuan ng mga Senador ang mga panukalang dapat sana’y naaprubahan na at naipasa para sa lagda ng Pangulo.

“Hindi ko rin maintindihan. Kasi kami kaya walang nape-pending sa amin, dahil nag-oovertime,” wika ng mambabatas.

Samantalang sa parte umano ng mga kongresista, palibhasa karamihan ay mga probinsiyano na wala namang maaaring gawin kapag nasa Maynila, mas pinipili pa raw nila mag-overtime at mag-session kung kinakailangan